Archive for the ‘cWRITEicisms’ Category

At the dramatic onset of Century 19, before bibliophiles overturned their palates into realism, there was one name that conquered the literary circuit—Jane Austen. Austen’s display of repertoire concerns with people’s personal dealings with the society and themselves: from how they venture to survive refraining from the usual track until how they find themselves competing against their own thoughts and ideas. Her stories flow with outside beauty and external affluence, as exposed. But, as the reader delves deeper into the pages from chapter to chapters and chapters to chapter, a sudden realization of meanings is implicitly prepared by Austen…but only those who reflect can see it clearly. To call Austen (particularly Pride and Prejudice aka P and P) as idiotic, annoying, and whatnot is an insult not just to a genius but also to those who appreciate art in its most adorable depth. For an author who has mastered the art of Humanism, to be considered “far from a genius” is an underestimation… _______________ While I was reading reviews re P and P, I was totally dumbfounded by the comments trying to defame one of the profoundest crafts in the world of literature. Have they understood the Piece well yet or otherwise, a handful of remarks are just too futile however are denigrating in a sense. Thus, there can be no doubt that the pride of Pride and Prejudice is prejudiced. Hence, this blog seeks to debunk few infamous myths defacing P and P, one by one:

  1. Pride and Prejudice is only for femmes

It is true that the emphases of the Novel mainly lie on what Jane and Elizabeth (Lizzy) think and comprehend. It is worthy, nonetheless, to consider that Austen uses the third-person omniscient point of view, thus a well-plotted opportuneness for readers to delve more accurately on most characters’ way of thinking and performing. To whatever degree, not because the cynosure rests on the two Bennet sisters, P and P will be labelled “only for femmes”.  If you will scrutinize from volume after volume, the realization that the male characters’ P-O-Vs are also given important. Most paragraphs in P and P have gentlemen well-famed and (almost) well-venerated on definitions provided by the Author, and that the ladies cause as much flaws as the gents, P and P definitely is not ONLY for female readers. Take these last words from Chapter I: “Mr.Bennet was so odd a mixture of quick parts, sarcastic humour, reserve, and caprice, that the experience of three-and-twenty years had been insufficient to make his wife understand his character. Her mind was less difficult to develop. She was a woman of mean understanding, little information, and uncertain temper. When she was discontented, she fancied herself nervous. The business of her life was to get her daughters married: its solace was visiting and news.” Now, if Austen is solely feminist, she would have turned over a new leaf and made the characterization upside down. Pride and Prejudice is not meant exclusively for females rather the entitled aficionados are only for ladies. Austen, as a whole, shows no bias between the two opposite genders: their smiles and grimaces; pros and cons; their gains and drawbacks.  In this sense, it is not, therefore, feministic in nature but rather socialistic.

  1. Too bloody to be understood

Since realism’s counterpart flows into the pages of P and P, the extravagance of descriptions is expected to be present in each chapter. So, someone who does not expect this style as a work with grandiloquence needs more nuts. Ditto to those who criticize destructively.  Refined words from Austen do not only kick a drone-out-of-his-throne but also create a dictionary’s close friend subconsciously; the practice of the mind and the introduction to new words entail to better deposits to someone’s vocabulary bank. There are, notwithstanding, a few satirical knocks expresses by the Author within P and P—witty but not gory. Pride and Prejudice is a “sentimental comedy” from a “sentimental writer”. Thus, Austen’s purpose might not be for you to devour just the coating of the cake but the cake itself.

  1. Very romantic; just romantic

Grotesque itmay seem, but it is not. Pride and Prejudice implicitly and explicitly provides no fantasy. Better to say that fantasy lies to the mind of those people who are not aware enough of reality—and J. Austen is not one of them. The abundance of romantic atmosphere on most of Austen’s novels are a reality for a lady who lived at Steventon, aged 22, youngest among her siblings.  Yet, the touch of romance does not make the whole, thus P and P is not “just” romantic. This novel challenges the readers’ perspective towards the inner animal in every person and the inner jungle in every society. Though there is no single Austen novel where man is present without a woman and vis-à-vis, holistically, the novel does not solely discuss about how a woman falls in love with a man or how a man pursues his love for a woman; it goes beyond romance. More than that, P and P is an issue of social morality merely about the human flaws and how those blunders derange or uplift people. Austen’s style of enveloping moral issues by romantic attachments is certainly unique—one which some people won’t comprehend without profound reading be on trend. ________________________________________________________- It is not as difficult to criticize something grand, but it is as perilous to interpret a minute detail. True enough, people are fond of babbling about things they don’t fully understand—-now that is a truth universally acknowledged.


Ang mga pagtunggali sa mga argumentong nakapaloob sa blog na ito ay naglalayong bigyang diin ang mga kalamangan at benepisyo ng pagbabasa ng mga pisikal na aklat at kung papaanong nararapat mas limitahan ang pagtangkilik sa mga electronic book o e-book na nagdudulot ng mga hindi kaaya-ayang epekto sa mga mambabasa. Ang may akda ay nakakiling sa paggamit ng mga babasahing pisikal.

ARGUMENTO: Mas makatitipid sa paggamit ng mga gadget kung saan mababasa ang mga e-book.

PAGTUNGGALI: Ang malaking posibilidad ng pagkakawala o pagkakanakaw ng isang gadget, mamahalin man o mumurahin ay mas malaki kung ikukumpara sa posibilidad ng pagkakawala ng isang pisikal na aklat. Nararapat din ikonsidera ang tuwi-tuwinang pagkakarga para sa baterya ng gadget na ginagamit. Mayroon ding mga pagkakataon na kailangang bumili ng salamin o ipagamot ang mga mata dahil sa epekto ng pagbabasa ng e-book. Nararapat ding isama sa pagkukuwenta ang ibinabayad sa internet upang maidownload ang mga e-book. Sa pagsusuma, hindi halos nagkakalayo ang maaaring gastusin sa paggamit ng e-book at ng normal na aklat. Sa katunayan, maaaring ibenta ang mga “physical book” nang hindi nalalayo sa orihinal na presyo.

ARGUMENTO: Mas marami ang maaari mong maging aklat sa paggamit ng mga e-book.

PAGTUNGGALI: Walang katotohanan. Ang mas mataas na bilang ng mga aklat sa mundo ng e-book ay isang mahinang argumento. Kung tutuusin, mas limitado ang maaaring makolektang libro sa silid-aklatan ng e-book kumpara sa tunay na silid-aklatan. Ang pisikal na silid-aklatan ay kayang magkubli ng mas maraming libro—hanggat may espasyo, maaaring kumolekta ng libro. Sa silid aklatan ng e-book, kapag napuno na ang memorya ng iyong gadget, kakailanganin nang magbura ng ilang mga libro upang muling makapagkubli ng mga bagong libro. Sa pisikal na silid aklatan, hindi mo kakailanganing magtapon ng mg lumang libro para lamang magkalugar ang mga bago.

ARGUMENTO: Mas madaling bitbitin o “convenient” ang paggamit ng e-book.

PAGTUNGGALI: Hindi mo naman kakailanganing magdala ng isang buong silid aklatan tuwing ikaw ay may mga materyal na kailangang basahin. Malaki ang tiyansa na maubusan ng baterya ang gadget na pinagbabasahan ng e-book na magiging dahilan upang mawala ang interes ng mambabasa sa kaniyang binabasa at di kalauna’y hindi na tatapusin ang babasahin. Maaari ring magkaroon ng disoryentasiyon sa panig ng mambabasa kung siya ay magbabasa ng iba’t ibang babasahin sa iisang panahon. Hindi tulad ng pisikal na aklat, magkakaroon ng pamilyaridad ang mambabasa sa mga pahina na magbubunga ng mas madali at mahusay na pagbasa; mas makapagpopokus ang mambabasa sa babasahin sapagka’t hindi magiging himay-himay ang kaniyang atensiyon.

ARGUMENTO: Mas maraming mababasa sa e-book kaya mas marami ang matututuhan.

PAGTUNGGALI: Hindi makabuluhang sabihin na kapag mas marami ang materyal, mas marami ang matututuhan ng isang mambabasa. Nararapat ikonsidera ang otentisidad ng mga impormasiyon, baliditi ng mga sanggunian, kalakasan ng mga argumento, kahusayan ng mga pag-iinterpreta, konstruksiyon ng balirala, kaugnayan ng mga pangungusap, kaisahan ng mga diwa, kaepektibuhan ng mga salita. Ang mga pang-akademikong babasahin ay maingat sa paglalathala ng mga aklat; dumaraan din ang mga ito sa napakaistriktong proseso ng paglilimbag. Sa mga e-book kung saan kakaunti ang nagbibigay ng masugid na atensiyon sa mga nabanggit, mas malawak ang posibilidad na mali ang mababasa at maitatatak sa utak ng mambabasa.

ARGUMENTO: Mas matagal ang iginugugol na oras ng mambabasa sa e-book.

PAGTUNGGALI: Ang mismong argumentong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nararapat tangkilikin ang e-book. Maaaring magdulot ang pagbababad sa monitor ng isang gadget ang paggamit ng mas maraming “mental energy”; mas mababang lebel ng pag-unawa sa materyal; masakit na batok; masakit na likod; masasakit at tuyong mga mata. Sinasabing ang mas malalalang epekto ay maaaring lumabas sa katagalan ng pag-abuso sa paggamit ng teknolohiya. Kung magiging dependent na ang isang mambabasa sa e-book bilang sanggunian, hindi malayong ang masasamang bunga ng pagbabasa ng e-book ay anihin sa mabilisang panahon.

Ang alinmang pag-abuso sa mabuting dulot ng anumang bagay ay maaaring magbunga ng masasamang epekto. At, yaman din lamang na ang mga negatibong posibilidad ay nakalapat na sa ating harapan, makabuluhang iwasan na natin ang mga dapat iwasan upang pagdating ng hindi katagalan, wala tayong dapat pagsisihan.

Mga sanggunian:

ILANG PALIWANAG ni Virgilio S. Almario

Hindi Sapat ang SPG Lang

Posted: November 14, 2014 in cWRITEicisms


Minsan kong biniro ang kapatid ko na buti na lamang, hindi naging “troga” ang basa at baybay sa salitang  “droga”. Kundi, hindi magandang basahin…

Nangyari ito nang mapuna ko ang pagkakasalangsan ng mga letrang T,L,K,S,H,D sa paalalang SPG (‘Striktong Patnubay at Gabay) mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) o sa Filipino: Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon. Ito (MTRCB) ay ang sangay ng gobyerno na sa kalakhang unawa, ay naglalayong protektahan, lalo na ang mga kabataan sa kanilang mga panuorin na magiging instrumento para sa pagpapaunlad ng kanilang moral na aspekto (ayon sa nakapaloob sa MTRCB Vision). Tuwing sabay kaming nanonood sa bahay, madalas naming napupuna ang mga palabas na mayroong paksa na nababahiran ng kahalayan, karahasan, at “double-meaning” mapapelikula man, komentaryo, o palatuntunan. Maraming panahon kaming nakapanood ng mga cartoon at pelikula na sadyang mararahas saan mang anggulo suriin. Maraming lengwahe ang hindi kaaya-ayang pakinggan at maraming mga eksena ang hindi basta-basta maaaring ipakita sa mga bata. Ang mas nakagugulat, “PG” lamang ang grado ng mga palabas na ito. Napaisip tuloy ako kung ano ang mga antas at pamantayan ng MTRCB sa paggragrado. At, ang isa pang mas nakababagabag na tanong, “Mayroon bang nararapat na antas ang “kaselanan” ng mga palabas?”


Nakatatawang isipin na sa ilang mga programa, nagiging konserbatiba ang mga palabas kung saan nilalabuan o lubusang tinatanggal ang mga maseselang bahagi na  naglalaman ng mga eksenang may kinalaman sa “SPG: TLKSHD”. Mabuti ring hindi napahihintulutang banggitin ang mga salitang hindi magandang pakinggan sa tainga sapagka’t tunay ngang ang mga ito ay malaki ang nagiging pangkabuuang epekto sa impresiyon na malilikha sa programa o pelikula. May ilang mga programa rin na nakapokus sa agham, tamang kaugalian, kasaysayan, relihiyon, at marami pang iba. Ito ang mga programang nananatili sa ere sa kabila nang hindi paggamit ng: (a) mga babaeng nagtipid sa tela at naging magara sa kolorete (b) mahahalay na biro, pahayag, at eksena (c) hindi makabuluhang mga diwa. Sa mga ganitong bahagi, tahasang nakikita ang pagpapakitang halaga ng ilang programa sa sensorhip.

Sa kabilang banda, hindi maitatangging kapuna-puna ang napakaraming mga eksena at pahayag na nakakikiliti sa mga manunuod, o mambabasa. Ilang programa ang napalalampas (o pinalalampas) at nahahayaan (o hinahayaan) na maisatelebisyon o maisapelikula kahit  pa ang mga ito ay, sa kabuuan, naglalaman ng napakaraming aktibidad na hindi talaga pangkalakhang masa.

Tampok sa ibang mga programang pantelebisyon at mga eksenang pampelikula ang mga maseselang diyalogo (sa pagitan ng mga karakter), masasakit na salita (sa pagitan ng mga selebriti), madurugong tagpo (sa pagitan ng bida at kontrabida), naghahalikan sa mga eksena (sa pagitan ng mga batang karakter), sobrang nakatatakot na mga bahagi (sa kabuuang impresiyon), at pag-aabuso sa bawal na mga gamot (sa pagitan ng mga artista).

Maaaring sabihing hindi kayang kontrolin ng sangay na ito ng gobyerno ang mga aktibidad at kalayaan ng mga manunuod sa pagpili ng nais panuorin. Ngunit kung ang bagay na ito ay hindi kayang manipulahin, mangangahulugan ba ito na hahayaan na lamang nating nagkalat kahit saan ang mga maruruming mga programa? Walang tatangkilik kung walang tatangkilikin.


Napakalawak ng sakop ng kalayaang ito sa Saligang Batas ng Pilipinas. Ito ay naglalaman ng mga proteksiyong maaaring gamiting sandata ng sinumang inaakusahang lumabag sa karapatang pantao ng nagrereklamo kung pelikula o palatuntunang pantelebisyon ang pag-uusapan.

Oo nga’t ang sinuman ay may karapatang magdesisyon sa pamamaraan ng kanyang pagpapahayag. Subalit, hindi lahat ay may kakayahang magpahayag nang tama. Kung ang sex education lamang, halimbawa, ay nagdulot ng mga kumukulong debate sa Kongreso, sa partikular na mga talakaying “maituturo ba nang tama ito” o “magdudulot lamang ito ng kahalayan sa pagitan ng nagtuturo at tinuturuan”. Hindi baga’t patunay lamang ito na ang mga Pilipino ay hindi pa nagkakaisa sa kung ano ang mga bagay na “nararapat” at “hindi nararapat”? Samakatuwid, kung sa eskuwelahan na pormal ang paraan ng pagtuturo ay ibinibilang na maselan ang usaping nabanggit, hindi ba’t higit na nararapat itong pagtuunang pansin kung tatalakayin o isasama sa telebisyon o pelikula kung saan ang mga punong-abala o artista ay kayang-kayang ipahayag ang anumang tema sa pamamaraan na nais nila?

Dito nararapat pumasok ang MTRCB. Dahil pangunahing gampanin ng institusyong ito na protektahan ang mga manunuod sa mga posibilidad ng korupsiyon sa kanilang pag-iisip, mahigpit na pangangailangan sa mga media kagaya ng pelikula at telebisyon ang mas mainam na pagsasala. Sa madaling letra, ang lebel ng “obscenity” ng isang produksiyon ay kinakailangang maidentipika at nararapat masuri nang may kahusayan at kainaman.

Sa isang sitwasyong ang mga tumatangkilik sa palabas pantelibisyon o pampelikula ay walang gabay ng magulang, o ng  edukasyon, o ng edukadong tao na maaaring sumagot ng tama sa mga tanong at magbigay linaw sa malalabong bahagi, ano ang ating uunahin: ang kalayaan sa pagpapahayag o ang kapakanan ng masa?


“Hindi mo maaaring subuan ng kanin ang isang sanggol na hindi man lamang marunong pang sumuso.”

Isang napakalaking impluwensiya ang mga bagay na ating napanunuod sa pamamaraan kung paano natin binubuo ang ating pamumuhay. Kung tutuusin, ang mga gawi natin ay hitik na bunga ng ating mga nakikita. Pinatutunayan ng napakaraming pananaliksik na ang paningin ang may pinakamalaking porsiyentong naiaambag sa pagkatuto ng isang indibidwal. Bilang patunay, isang artikulo sa Microsoft Encyclopedia Premium (MEP) 2009ang nailimbag at nagsasaad na wala nang iba pang nakauungos sa paraang biswal kung pagkolekta ng impormasyon ang pag-uusapan.

“More information is conveyed visually than by any other means.” (sipi mula sa MEP 2009).

Hindi baga’t sa sobrang laki ng nagiging epekto ng mga pelikula at telebisyon sa Pilipinas, ang “panunuod” ay isang pangkasanayang iminumungkahing idagdag na sa apat na na iba pang “macro-skills”?

Isipin natin, ano na lamang ang maaaring kahantungan kung ang ipakikitang mga materyal sa masa ay naglalaman ng mga hindi kaaya-aya at magagaspang na tema? Imposible kayang magkaroon din ng dibisyon sa kanilang mga pag-iinterpreta halintulad ng mga debate sa Kongreso? Ano marahil ang maaaring mangyari kung ang tama ay naging mali at ang mali ay naging tama? Kung magkagayon, masasabi pa bang nagagampanan ng MTRCB ang tungkulin nitong salain ang iba’t ibang mga palabas at bigyang desisyon ang mga nararapat at hindi?

Sabihin na nating angkop ang klasipikasyon kung ang isang panuorin ay G (General Patronage), PG (Parental Guidance), o SPG (Strict Parental Guidance), paanong nakasisiguro ang MTRCB na:

  1. Susundin (lalo na ng mga kabataan) ang mga marka o babala na ibinigay nito?
  2. May gabay ng magulang ang bata sa tabi nito habang nanunuod?
  3. May sapat na kaalaman ang magulang sa paggabay sa batang nanunuod?
  4. May kakayahan ang magulang na sagutin nang tama ang mga katanungan ng bata?

Maraming pamamaraan upang bigyang porma ang isang mensahe. Maraming pamamaraan upang manipulahin ang isipan ng mga manunuod. Marami ring pamamaraan upang magbigay babala. Ngunit, kung wala pang sapat na edukasyon ang maraming tao kung papaano nararapat tangkilikin o bigyang pananaw ang maseselang paksa, mananatili tayong mapapaso sa mga maling nagmumukhang tama.


Sinasabing ang edad kung saan ang normal na tao ay nagkakaroon na ng kakahayang isegriga ang mali sa tama at humusga nang rasyonal sa kanyang paligid ay nasa pagitan ng 16 hanggang 18 (age of discernment). Sa mga edad na ito nakokompleto ang isang partikular na bahagi ng ating utak (frontal lobe) na responsable sa pamamaraan ng ating paghusga. Sa mga kabataang hindi pa nakaaabot sa kakayahang humusga nang tama sa mali at hindi pa ganap ang pag-unawa sa mga bagay-bagay, mahirap isipin kung gaano kalaki (at kalawak) ang magiging komplikasyon ng mga maseselang mga panuorin.

Bilang karagdagang sanggunian, isang dalubhasa sa Sikolohiya ang nagpanukala ng isang konsepto sa larangan ng Developmental Psychology (Jean Piaget: Preoperational Period re Egocentrism). Inilahad niya na ang mga batang may edad 2-7 taong gulang ay may kaugaliang paniwalaan lamang ang alam at inaakala niyang tama. Sa madaling salita, kumikiling ang bata sa sarili niyang pag-iisip nang wala nang ano mang pagtatangka na magtimbang pa sa mga variable sa paligid. Ito ay isang kritikal na bahagi ng tao na kapag hindi naitama ay nakakikilabot ang kahihinatnan.

Hindi maaaring balewalain ang mga makabuluhang aspekto sa mga ganitong usapin. Kung ang tinatalakay ay ang kapakanan ng kabataan, walang kahit na anong maliit na pananaliksik ang hindi dapat bigyang pansin.


Sinasabing “tao” ang pinakamahalagang sangkap sa isang estado. Bilang ambag sa hinahangad na pagkakaisa at kaunlaran, isang malaking bagay ang patuloy na pag-unawa at paglimi natin sa mga bagay na higit na nakaiimpluwensiya sa atin bilang mga mamamayan ng isang bayang hindi pa ganap ang pag-unlad. At, tunay ngang hindi natin makakamit ang lubusang pag-asenso kung ang mga bagay na maaaring makapagpasama sa atin ay nasa mismong harapan na natin; komportableng makikita anumang oras naisin; madaling mapapanuod anumang panahon gustuhin.

Ayon sa Banal na Kasulatan:

I Tesalonica 5:21-22

Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

Layuan ninyo ang bawa’t anyo ng masama.

Isa itong banal na kautusan kung paanong sa kabila ng nagkalat na anyo ng kasamaan sa paligid, ang tao ay inaatasang umiwas sa mga ito. Kung susumahin, malaking ambag sana ang maibabahagi ng MTRCB sa pagkatupad ng talatang nabanggit kung mas magiging maigi at mahigpit ang mga pamantayan at ang pagpapatupad ng mga ito.

Panghuli, huwag sana nating kaliligtaan na kung mananatiling ipinalalabas, ipinababasa, at ipinaririnig sa masa ang mga palatuntunan at panuoring makalalason sa pamamaraan ng pag-iisip at paggawa ng sinuman, hindi kailanman magiging sapat ang SPG lamang.

Mga sanggunian:

Microsoft Encarta Premium, 2009

Encyclopedia Britannica Ultimate Reference Suite